Ang kalikasan ay biyaya ng ating maykapal para sa atin. Binigay ito para ating pangalagaan dahil ito ay isa sa mga yaman na pinagkukunan natin ng mga pangunahing pangangailangan. Dito ko naranasan ang payapang pamumuhay at kumain ng masasarap na gulay galing sa ating kalikasan. Ngunit bakit nga ba nasisira ang ating kalikasan?

Pagbaha, pagkakaroon ng landslide at pagbabago ng klima ,ilan lamang sa mga nararanasan natin halos taon-taon. Tayong mga mamamayan at lahat ng nabubuhay sa mundo ang naaapektuhan sa mga sakunang ito.




Kung may kakayahan kang mahalin ang isang tao, taos puso mo ring bibigyan ng pagmamahal ang kalikasan. Kung kaya mong ibigay ang lahat para sa kanya, hindi ka magdadalawang isip na ibigay ang pagpapahalaga ,pag aalaga at pagpapanatili ng kalinisan ng ating kapaligiran. Kung kaya mong rumespeto at magpasalamat sa mga biyaya ng Diyos kayang kaya mo ring respetuhin ang ating “nature” at masasabi mong “nature is the art of God”

Hindi ba ayaw mong nasasaktan? na hindi minamahal? Habang may pagkakataon pa upang makita ang magagandang tanawin, maramdaman ang simoy ng hangin ,malasahan ang mga bunga galing sa mga puno, maamoy ang mabangong aroma ng mga bulaklak at marinig ang awit ng mga ibon, huwag mong sayangin ang pagkakataon . Simulan mo sa mga maliliit na bagay . Sa simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan sa halip na itapon kung saan saan dahil iyon ang tama at makakatulong sa pagpapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran. Ang pagbabago ay hindi makakamtan kung alam mo ang gagawin pero ikaw mismo hindi gumagawa ng paraan . Masakit tanggapin ang katotohanan na tayo ang may gawa kung bakit nasisira ang ating kalikasan kaya naman itigil na natin ang ating kahibangan at sama-sama tayong magtulungan upang atin na muling alagaan at huwag na nating pabayaan ang kalikasan. LOVE YOUR NATURE AS YOU LOVE YOURSELF AND IT WILL MAKE A DIFFERENCE








